Ang Eukaristiya: Diyos sa Atin

 

Ang gayong kaalaman ay napakaganda para sa akin, napakataas para maabot ko. Saan ako pupunta mula sa iyong espiritu? Mula sa iyong presensya, saan ako tatakas? Kung ako’y umakyat sa langit, nandoon ka; kung ako ay mahiga sa Sheol, nariyan ka. Kung kukunin ko ang mga pakpak ng bukang-liwayway at tatahan sa kabila ng dagat, Doon man ay ginagabayan ako ng iyong kamay, ang kanang kamay mo ay humahawak sa akin nang mahigpit. Awit 139:5-10

Mga Kapatid Ko kay Kristo:

Habang sinisimulan natin ang ating paglalakbay tungo sa isang Eucharistic Revival, sumulat ako nang may malaking pag-asa at kagalakan sa Diyos na ang Kanyang Presensya ay palaging magiging gabay natin. Iniaalay ko sa inyo ang aking mapanalanging pagmumuni-muni tungkol sa kung paano natin sisimulan ang ating paglalakbay nang magkasama at isaalang-alang ang ating relasyon sa Diyos bilang tiyak na pagkakataon ng ating pananampalataya. Hinihiling ko sa inyo na manalangin at alamin kung saan tayo maaaring magkaisa at muling ipangako ang ating pagnanais na tanggapin si Hesus sa Eukaristiya at tayo ay mapuspos ng Banal na Presensya ng Diyos at maging tulad ni Kristo sa isa’t isa. Taimtim kong pinagdarasal, na ating paglalakbay ay maging makabuluhan at maging daan ng ating ugnayan kay Hesus at sa isa’t isa.

Paanyaya mula kay Hesus

Nakita ni Jesus ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo.. Sinabi niya sa kanya,
“Sumunod ka sa akin.” At siya’y tumindig at sumunod sa kaniya (Mateo 9:9).

Ilan sa atin ang gustong sumunod kay Hesus? Para sa ating lahat mula sa ating pagkabata at maging sa ating pagtanda naniniwala ako na ang ating pag tugon ay magiging isang matunog na, “OPO Panginoon”. Noong tayo’y ay isinilang, kilala na ni Hesus ang bawat isa sa atin, mahal tayo at tinatawag tayong sumunod sa Kanya.mula sa sandaling tayo ay bininyagan, inaasahan tayong sumunod kay Hesus. Ang bawat isang binyagan sampu ng kanyang pamilya at ang Sambayanan ng Diyos ay maging handa sa pagaaral at pagtugon sa pagsunod at pagtalima sa paanyaya ng Diyos na mabuhay ayon sa kanyang kagustuhan.

Ang paghamon ay para sa ating lahat.

Ang panawagan ito ay isang paanyaya na puno ng pagmamahal mula kay Hesus para sa ating lahat. Inaanyayahan Niya ang bawat isa sa atin na mag alay ng ating ating buhay nang buo, at walang sukatan,.Ang panawagan ito ay para sa lahat mga Banal man at maging mga makasalann. Nawa’y. tangapin ang Kanyang paanyaya dahil Siya lamang ang Daan tungo sa kaligayan at kalualhatian, Siya ang dapat paglingkuran.

Makipagtagpo kay Hesus

Kinuha ni Jesus ang tinapay, binasbasan, pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito ang aking katawan, na ibibigay para sa inyo; gawin ninyo ito bilang pag-alala sa akin.” At gayon din ang kalis pagkatapos nilang kumain, Siya ay nagwika, Ang kalis na ito ay ang kalis ng dugo ng bagong tipan na ibubuhos paral sa inyo (Lucas 22:19,20).

Ano ang Eukaristiya? Ang Eukaristiya ay si Hesus! Gaya ng sinabi ni Juan kay Pedro pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli, “Ito ay ang Panginoon! (Juan 21:7)! Nakipag-usap si Jesus sa mga apostol, sa Kanyang mga alagad gayon man sa atin nang may malaking pagmamahal at batid ni Hesusang kahalagahan ng mga biyaya na nagmumula sa Banal na Hapag na nagdudulot ng lakas na sumunod sa Kanya. Alam niya ang mga paghihirap na ating haharapin. Sa Eukaristiya, ibinibigay Niya ang Kanyang sarili sa atin upang matanggap natin Siya at ipagpatuloy ang ating paglalakbay kasama Siya sa bawat araw. Isinulat ni St. Justin Martyr, “Tinuruan tayo, ang pagkaing ginawang Banal sa pamamagitan ng panalangin ng mga hinirang na(pari at ng Bayan ng Diyos nagpapalusog sa ating kaluluwa ay parehong laman at dugo ni Hesus. na nagkatawang-tao”

Paano natin tatanggihan si Hesus? Ano o sino ang pumipigil sa atin sa pagtanggap ng Katawan, at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ni Hesus, ang ating Panginoon at Tagapagligtas? Ang Eukaristiya ay ang ating pakikibahagi sa Banal na Buhay sa pamamagitan ni Kristo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. “Ang Eukaristiya ay ang mabisang tanda at dakilang dahilan ng pakikipag-isa sa banal na buhay at ng pagkakaisa ng Bayan ng Diyos kung saan ang Simbahan ay pinananatiling buhay. Ito ang kasukdulan ng pagkilos ng Diyos na nagpapabanal sa mundo kay Kristo at ng pagsamba na iniaalok ng mga tao kay Kristo at sa pamamagitan niya sa Ama sa Banal na Espiritu” (CCC1325). Ito ay isang dakilang misteryo ng ating pananampalataya—malalaman lamang natin ito mula sa pagtuturo ni Kristo na ibinigay sa atin sa Banal na Kasulatan at sa Tradisyon ng Simbahan.

Sinabi ni San Francisco ng Assisi, “Sa ganitong paraan ang Panginoon ay laging kasama ng Kanyang mga tapat, gaya ng sinabi Niya, “Narito, ako ay sumasaiyo hanggang sa katapusan ng panahon” (Mateo 28:20)

Pagsunod kay Hesus

Kung mahal natin si Jesus, hindi ba natin gugustuhing gawin ang Kanyang hinihiling? Lagi tayong tinatawag ni Hesus sa isang bagong utos. Sinabi niya, “magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo” (cf: Juan 13:34).

Bahagi tayo ng kasaysayan ng Diyos. Kaya’t hinihikayat tayo ng ating Santo Papa, si Papa Francisco na “magsulat ng mga personal na karanasanna kung saan nadama natin ang pagtubos ng Diyos sa pahina ng ating kasaysayan.” Habang tinatanggap natin si Kristo sa Eukaristiya, ipinagpapatuloy natin ang kasaysayan ng kaligtasan kay Hesukristo kahapon, ngayon at magpakailanman. “Mula noong Pentecostes, nang ang Simbahan, ang mga Tao ng Bagong Tipan, ay nagsimula sa kanilang paglalakba patungo sa kanyang makalangit na hinirang-bayan, ang Banal na Sakramento ay patuloy na isang tanda ang paglipas ng kanyang mga araw, pinupuno sila ng may pag-asa” (Ecclesia de Eucharistia 1) .

Kung paanong ang ating pisikal na katawan ay pinapakain ng pagkaing inani mula sa lupa para sa lakas at lakas, gayon din ang Tinapay mula sa Langit ay nagpapalusog sa atin upang ilabas ang langit sa lupa. Sa ating espirituwal na katotohanan, ang pagkain ay gumaganap ng pangunahing papel sa kuwento ng kaligtasan, mula sa ipinagbabawal na prutas sa hardin na nagdudulot ng kasalanan at kamatayan hanggang sa pagkain ng katawan ni Kristo sa Krus na nagdudulot ng buhay na walang hanggan.

Sinabi sa atin ni San Pablo, “Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon at binibigay ko rin sa inyo, na ang Panginoong Jesus, nang gabing bajo ang kanyang pagpapakasakit, ay dumampot Siya ng tinapay, at, pagkatapos niyang magpasalamat, ay pinagputolputol ito at sinabi, “Ito ang katawan ko na para sa iyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Sa parehong paraan din kinuha niya ang kalis, at nagwika siya ” Tanggapin ninyong lahat ito at inumin, Ito ang kalis ng aking dugo ng bagong tipan, Gawin ninyo ito, sa pag alaala sa Akin.” (1 Corinto 11:23-25).

Ang pagiging isang Eukaristiya kasama si Hesus

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).

Hindi ang Eukaristiya ang nabago sa atin, kundi tayo ang binago Niya.

Mula sa pagtanggap kay Hesus, tayo ay naatasang humayo na dala ang Kanyang pag-ibig upang ipamahagi ito na napapaloob sa Eukaristiya,para sa lahat.. Tayo ay nagiging Kanyang tahanan
.Sa pagdalaw ng Anghel sa Birhen Maria at ibinalita ang plano ng Diyos para sa Mahal na Ina, siya ay naglihi at ipinanganak si Hesus, ang Verbo na nagkatawang tao mula sa kanyang kanyang sinapupunan at nanahan sa atin. Si Maria sa kanyang pagtugon ay naging buhay na
“tabernakulo” – ang unang “tabernakulo”na kung san nanahan ang Anak ng Diyos patungo sa kasaysayan ng tao at kaligtasan ng Sanglibutan.- Ang Anak ng Diyos sa sinapupunan ni Maria ay kinilala at sinamba ni Elisabet , siya ay napuno ng galak sa pagdalaw ng Panginoon na kasama ni Maria.. Kalaunan, niyakap ni Maria ang bagong silang na si Hesus sa kanyang mga bisig, ang walang katulad na huwaran ng pag-ibig na dapat magbigay ng inspirasyon sa atin sa tuwing tumatanggap tayo ng Eukaristiya sa Banal na komunyon” (Ecclesia de Eucharistia 55)?

Isinulat ni San. Irenaeus, “Ang ating paraan ng pag-iisip ay naaayon sa Eukaristiya at ang Eukaristiya naman ay nagpapatunay ng ating paraan ng pag-iisip.” Ang pagbabagong anyo ng ating Sambayanan ay magaganap lamang kung malaya nating iniaalay ang pag-ibig ng Diyos sa isa’t isa nang walang kapalit. Kapag tinanggap natin si Hesus, tinatanggap natin ang Kanyang utos. Ang pagmamahal na ibinibigay natin ay kaisa kay Hesus. Isinasabuhay natin Siya sa isa’t isa. Tayo ay tinawag na humayo at maglingkodsa kanya at maging isang buhay na eukaristiya: upang ipahayag si Jesus hindi lamang sa ating mga sarili kundi gayun man sa ating kapwa saanman man tayo naroroon.

Sinabi ni Papa Francisco “Bilang mga Kristiano ano ang ibig sabihin ng isabuhay ang pag-ibig ng Diyos na inuutos niya ? Matatandaan ayon sa banal na kasulatan hinugasan ni Jesus ang mga paa ng kanyang mga alagad at pagkatapos nito, inialay niya ang kanyang sarili sa kahoy ng krus. Ang ibig sabihin ng pag-ibig na ito: maglingkod at magbigay ng buhay. Sa ating paglilingkod.

inaasahan tayo na ibahagi ang mga handog na kaloob sa atin ng Diyos. Mabuting malaman natin at tanungin ang ating mga ating sarili, “Ano ang maaari kong gawin para sa aking kapwa?

Ang Ating Paglalakbay sa Langit

Samantalang Siya ay nasa hapag sampu ng kanyang mga alagad, kinuha Niya ang tinapay , nagpasalamat Siya, binasbasan, at pinaghatihati, at ibinigay sa kanila. Sa gayon ay nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, ngunit nawala siya sa kanilang paningin (Lucas 24:30,31).

Pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli, dalawang disipulo ang naglalakad sa daan patungo sa Emmaus, nasumpungan nila si Jesus habang sila ay naglalakad;, bagamat hindi nila Siya nakilala. Nang iharap Niya ang Kanyang sarili sa kanila bilang Eukaristiya, nakilala nila Siya.

Sa tingin ko ay katulad pa rin tayo ng mga disipulong iyon. Si Jesus ay nasa loob ng bawat isa sa atin ngunit hindi natin Siya nakikitang naroroon. Tandaan na si Jesus ay nagsasalita sa atin tungkol sa pagkilala sa Kanya habang tayo ay tinawag upang maglingkod sa isa’t isa. Ang mga tao ay nagtanong, ‘Kailan ka namin nakitang isang dayuhan at tinanggap ka, o hubad at dinamitan ka? Kailan ka namin nakitang may sakit o nasa bilangguan, at dinalaw ka?’ Sumagot si Jesus, ‘Amen, sinasabi ko sa iyo, anuman ang ginawa mo para sa isa sa pinakamaliit kong kapatid na ito, ay ginawa mo para sa akin’ (cf: Mateo 25:38) -40).

Isinulat ni Cardinal Raniero Cantalamessa, OFM sa isa sa kanyang mga homiliya, “Dapat nating gawin ang handog ng buhay na may pagmamahal sa Diyos na ating Ama at para sa ikabubuti ng ating mga kapatid. Dapat nating gawing Eukaristiya ang ating sarili.”

Tayo ba ay handang sumunod kay Hesus? Tutugon ka ba sa Kanyang utos na tanggapin Siya? Pinagyaman tayo at pinakain sa Banal na hapag ni Hesus. Nawa’y maglingkod tayo sa isat isa at maging tulad ni Kristo para sa ating kapwa.

Nawa ang ating Mahal na Ina na si Maria, ang Ina ng Diyos, na sa pamamagitan ng kanyang pag tugon sa kagustuhan ng Diyos ay nakibahagi sa pagtubos na inalay ng kanyang Anak at naghandog sa atin bilang Tinapay ng Buhay sa pamamagitan ng Eukaristiya, ay umakay sa atin upang maglingkod bilang Kanyang tahanan. Manalangin tayo na baguhin natin ang ating mundo na maging isang Eukaristiya.

Bishop John Noonan
Nobyembre 27, 2022
Unang Linggo ng Adbiyento

Translate